2 pcs Chickenjoy + extra rice. :)

Tapos na naman ang isang araw sa trabaho. Buti na lang wala si boss ngayong linggong to. Nakapag facebook tuloy ako buong araw. Mabait naman sya sa lahat ng empleyado, kaya lang minsan hind maintindihan ang mood. Isang araw papansinin maganda mong sapatos, sa susunod parang hindi ka kilala pag nagkakasalubong sa opisina. Sayang smile ko. Hindi sa hindi ko sya gusto, pero hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na mahilig i-please ang lahat. Kung ayaw mo sakin, ayaw ko din sayo. Tapos ang usapan.

Teka nga muna, uwian na. Ayokong pag usapan ang trabaho. Biyernes nga pala ngayon. Walang pasok bukas. Hay, mga labada ko. Kelangan ko din mag linis ng kwarto. Pero sandali, Biyernes pa nga lang pala. Ayoko pang umuwi. Siguro i de-date ko na lang ulit sarili ko.

Date. Sawang sawa na ko dyan. Sa dami ba naman ng lalakeng naka date ko eh. Sabi nga ng kaibigan kong si Trixie, halos lahat na yata ng lalake sa Manila na date ko. Halos lahat na yata ng uri ng propesyunal na date ko. Doktor, abugado, pintor, engineer, I.T, meron pa nga nun walang trabaho eh, buti gwapo. Lahat na yata ng klase ng lalake na date ko, anak ng mayaman na umaasa sa magulang, breadwinner, single dad, ulila, etc etc. Nung isang taon mga, nag pang Ms. International ang beauty ko. Nandyang lumabas ako ng ilang beses kasama ng isang dentistang Turkish na nag ma-masteral ng Orthodontics sa isang college sa Maynila. Meron naman din Australyanong may maliit na advertising agency dito na paro't parito din mula Australia pa-Pilipinas. Medyo nagtagal din kaming lumabas labas nun nahuli. Parang sa pakiramdam ko nga medyo naging kami... O ako lang ba yun? Porener kasi eh. Hindi ko naman alam kung pano mga "da moobs" nila. Kung lalakeng Pilipino lang walang ka proble-problema. Gamay ko na mga "da moobs" nyang mga yan. Iisa eh. Parang iisa nag train sa kanila. O dahil kasi ilang lalakeng Pinoy na din naka date ko.

Ilang taon ding ganyan ako. Pagkatapos kasing mag hiwalay kami ng pinaka huli kong boyfriend, dahil sa masakit, napag desisyunan kong wag na munang sumubok ulit. Nakakatakot kaya. Sakit eh. Kaya date na lang muna. Aba, masayang makipag date ah! Biruin mo, lilibre ka na ng hapunan, ikaw pa mamimili kung saan at kung anong kakainin nyo. Syempre pili ka na ng mga klas. Nun minsang kumain kami sa Serendra sa The Fort (na sa tingin kong pang mayaman na lugar), me kinainan kami dung sosyal na sosyal na restoran, pag buklat ko ng menu, sobra namang mahal! Yung adobo na singkwenta pesos isang order sa karinderya, umabot ng tatlong daan kada order doon. Nanghinayang ako, pero ayus lang, sya naman nagbayad eh. Pagtapos nun, ihahatid ka pa sa bahay. Walang kahirap hirap. Magpapa cute ka lang, kakain, uupo sa kotse nya, ihahatid ka sa bahay, tapos. Shower na lang at tulog, tapos na araw mo.

Pero makalipas ng ilang dates, naisip kong nakaka pagod din pala.

Tape recorder. Kelangan ko nyan. Anung buo mong pangalan? San ka graduate? Ilang taon ka na? San ka nag ta-trabaho? Kelan last mong relasyon? Meron pa nga, sa totoo lang madalas, Kelan last na sex mo? Paulit ulit. Nakakapagod.

Madalas din sumasakit na binti ko kakasuot ng high heels. Syempre kailangan naman postura pag humarap sa date. Buhok ko, dapat laging maayos, kung kulot dapat laging bouncy, kung naka plantsa naman dapat walang tutsang. Dapat din i-check yun lipstick madalas. Baka meron nang kumapit sa ngipin. Turn off si date pag ganun.

Turn off si date. Yan ang sinasabi ko. Oo alam kong kelangan na magustuhan ka ng ka date mo. Pero dapat bang lagi na lang na sundin yung kasabihang "your best foot forward"? Pano kung yung "best foot" ko, hindi pala best para sa iba? Wala din. Pano kung yung "best foot" ko kakaiba sa taste ng lalake?

Kaya nga i de-date ko na lang sarili ko. Madalas dalas ko nang ginagawa to. Walang ka hasel-hassle. Hindi ako nag aalalang late ako. Kahit hindi ko i-set ng curlers buhok ko ok lang. Kahit hindi ako mag lipstick. Kahit naka tsinelas lang ako.

Hmmm, andito na pala ko. Daming nag de-date. Sweet nila. Haha!

Anung oras na ba? Ala-sais. Maaga pa pero parang kumakalam na sikmura ko. Ayan! Mag di-dinner na lang kami ng date ko. Atleast wala akong kahati sa pagkain. HIndi ako mahihiya kung 2 pcs ng Chickenjoy orderin ko. Hindi ako mahihyang umorder pa ng extra rice.

Sa ngayon masaya na kong ganito. Masaya naman talaga eh! Malaya akong gawin ang kahit na anung gusto kong gawin. Kahit mag Time Zone ako ok lang, walang mag iisip na isip bata ako. Kung gusto kong mag Mcdo ok lang, kung gusto kong mag Spiral, ok lang din.

Sana ganito na lang. Dadating ka din pala sa ganitong sitwasyon no? Na hindi ka na nag hahanap ng makaka partner. Na masaya ka nang mag isa. Na kuntento ka nang nagagawa mga bagay na gusto mo ng walang nag hihigpit at nag babawal sayo.

Masaya.

O dahil ba nasanay na lang ako na mag isa?

Siguro nga sanayan lang. Pero sana ganito na lang. Sana wag na ulit akong mag hanap ng mag aalaga, magmamahal at makaka appreciate sakin. Kasi dumating na din ako dyan eh. Pero, yun nga sanayan lang na wala. Sanay na. Ok na.

Pero ang totoo. Nakakatakot. Parang "calm before the storm".

Sana wala na kong makilalang magugustuhan ko. Kasi mag baback to zero ako pag ganun...

Sh!t natuluan ng gravy blouse ko! Bummer!!!

Comments

Popular Posts