Tsaa


Kung magtatagal pa ako sa sitwasyon na ganito, paniguradong mas mahihirapan ako. Sabagay sanay naman ako na pinipigilan ko ang sarili kong mahulog sa bitag ng pagmamahal. Maraming beses na din akong nabigo nang nakaraan, pero sa awa naman ng Dyos nakabangon at naka usad din ako, dala ang mga leksyon ng nakaraang mga pangyayari. Marahil isa ito sa mga pagkakataong kailangan kong subukan pang mag muli ang pagpipigil ko sa sarili. Sa pagkakataon na ito, hindi naman siguro dahil sa masama ang kahihinatnan ng pagpipgil na gagawin ko kundi sa sarili ko ding ikabubuti.

Sa pagtanda ko lang ba o dahil din siguro unti unti nang nagbabago ang mga pananaw ko sa buhay ko. Madalas naiisip kong meron nga bang totoong dahilan kung bakit nararamdaman ko tong emosyon na to para sa isang taong alam kong imposibleng magkaron pang mamukadkad sa isang relasyon.

Isang tao ang nag mulat sakin na possible pa lang mahalin ant magustuhan ang isang taong tulad ko. Sa kauna unahang pagkakataon, naramdaman kong me partikular na napakagandang nilalang na magka gusto sakin. Sa pagkakataong ito, naramdaman kong nararapat sa akin ang isang taong katulad nya. Naramdaman kong tama sya para sa akin. Naramdaman kong tama lang na isang taong responsable, matalino, mabait, bukas ang isip sa iba ibang kultura, magandang lalake at kanais nais para sa akin. Tamang ang tipo nyang lalake ang magmahal sa akin. Sa kauna unahang pag kakataon, naparamdam ko sa sarili ko at natanggap kong tamang katulad nya ang para sa akin.

Mahirap mang paniwalaan, mayroong nag sasabi sa kaibuturan ng aking pagkatao na sya na ang lalakeng hinihintay ko. Siya na ang dahilan kung bakit ako nakaranas ng mga sawing relasyon. Madalas na naiisip kong siya na ang pinaka hihintay kong pag ibig na mag sasalba sakin sa lahat ng sakit ant hirap na dinaanan ko sa mga nakaraang relasyon. Gustong gusto kong paniwalaan na sya na. Pero nahihirapan akong kumapit at maniwala ng buong buo sa ideyang yan.

Sa pagkakataong ito, sinasara ko na ang aking sarili sa posiildad na makikilala ko ang taong kahati ng aking buhay. Bakit? Siguro dahil sa isinara ko na ang pintuan ko para sa ibang lalake dahil sa palagay kong nahanap ko na ang lalaking karapat dapat sakin. Mahirap lang siguro dahil ako lang ang bukod tangi sa pagitan namin na nag iisip ng ganyang suhestiyon. Marahil ni hindi sumagi sa isipan nya na ako din ang babaeng hinihintay nya buong buhay nya.

Nakakapit pa din ako sa posibilidad na balang araw magtatagpo ulit kami sa pagkakataong hindi inaasahan. Bagamat gusto ko nang bumitaw at bumalik sa dating pamamaraan na nakasanayan katulad ng pag lalaro at pag titiyaga sa kung sino na lang ang dumating sa buhay ko. Hindi madaling gawin ang bagay na iyon lalo na't alam kong sa aking puso, natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko ng buong buhay.

Sana sumagi man lang sa isip nya ang possibilidad na maari kaming maging masayang magkasama. Dahil siguro sa araw araw ng buhay ko matapos naming magkakilala sa unang pagkakataon, wala na kong ibang inisip kundi sya. Gustong gusto ko nang ipagsigawan sa buong mundo na handa na akong maging kanya habang buhay. Handa akong umalis ng bansa,, lumipat sa ibang lugar bilang isang estranghero at tanggapin lahat ng hirap malayo sa pamilya, kaibigan at sa lugar na kinalakihan at kinasanayan.

Pinakamahirap siguro sa sitwasyon ko ay ang katotohanang ako lang ang nag nanais ng lahat ng ito. Ni isang bahid ng ideya sa kung ano nga ang tunay nyang nararamdaman sa akin, wala. Araw gabi nananalangin akong makausap sya, umaasang magbabanggit man lang ng suhestiyong maari din kaming mag sama sa malapit na panahon.

Madalas na nakikita ko ang aking sariling iniisip sya at kung ano na nga bang magiging katapusan ng kwento ko sa kanya. Ngayon kaya, sa pagkakataong ganito, naiisip nyang ako din ang babang ginawa para sa kanya?

Isang bagay lang siguro ang masasabi ko para sa kanya. Na mahal ko sya at sa palagay ko, siya na ang hinihintay ko. Siguro, at wala din naman kasiguraduhan na baka nasa isa na syang relasyon. Ganun pa man palagi ko pa ding nasasabi sa sarili kong mahal ko sya at alam kong sa sarili ko, sya ang hinihintay ko buong buhay ko.

Mahirap umasa sa isang bagay na mas madalas na malayo sa katotohanan. Mga bagay na hindi ko naman kuntrolado. Wala naman akong magagawa kundi mag hintay at umasang tama pala ako mula pa sa simula.

Isa lang ang alam ko. Siya ang dahilan kung bakit nais ko nang kaligayahan. Hindi ko alam kung tama pero maaring kapalaran ang nag tutulak sakin para sabihin ang mga bagay na ganito. Ang tanging alam ko lang, MAHAL KO SIYA AT SIYA LANG ANG GUSTO KONG MAHALIN HABANG BUHAY. Sana mabigyang katuparan ang kahilingan ko. Dahil sa pagkakataong ito, alam kong sapat sya para sa akin. Alam kong tama lang sya para sa akin. At alam kong meron nag iisang tao na laan ng Panginoon para sa ikaliligaya ko.

Kung nababasa mo man ang sulat na ito, marahil nagtatanong ka kung para saan at bakit ko nagawang sabihin ito. Siguro nga kasi ikaw na ang taong nakapalaran kong makasama habang buhay. Hindi man tayo magkita ngayon, o sa mga susunod na taon, alam kong balang araw, anu mang sitwasyon sa buhay meron tayo, alam kong magkikita at magkikita tayong dalawa. Lubos ang pag asa ko sa bagay na yan. Dahil sa panahong ito, alam ko na dinala ako ng aking kapalaran upang makilala ka.

Comments

Popular Posts